tuwing pupunta ako ng manila buhay na buhay ang dugo. excitement sigoro kaya ganun. nung unang beses ako nagpunta dun wala akong kaalamlam sa mga lugar na dinadaan ng bus pero nung pabalikbalik na ko dun naging pamilyar n rin sa mga lugar, mga pasyalan, gimikan at mga malls. matagal din bago ko nakabisado ang manila, pano ba naman kc napakaliki nito para matandaan ang lahat lahat. masarap magpunta dun lalo na kung ang gagawin mo dun ay mamasyal, gumimik at magshopping. kami nga ng mga kaibigan ko ilang beses ng pabalik balik dun. parati kasi kaming bitin pagandun kami. kulang sa oras at parating nagmamadali. para sakin na taga baguio bakasyonan lng ang maynila pero pwede pang magbago un. hindi ko ipagpapalit ang malamig at simpling buhay ng baguio sa maingay magulo mainit n manila.. sabi nga nila.. ders no place like home. love it!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment